KINAKAILANGAN ANG NETFLIX MEMBERSHIP. WALANG ADS, UNLIMITED ACCESS PARA SA MGA NETFLIX MEMBER.
Tumuklas ng bukas na mundo ng games na tamang-tama para sa mga chikiting. Ang mga batang nasa preschool ay puwedeng mag-enjoy sa pag-aaral at pagkukulay, makipaglaro sa characters mula sa "KPop Demon Hunters," mag-solve ng puzzles sa Sesame Street at marami pang iba — kasama na ngayon ang adventures mula sa "Gabby's Dollhouse" at "PAW Patrol"!
Welcome sa Netflix Playground, kung saan makikita ang games at magical moments kasama ang paboritong characters ng mga anak mo mula sa "Peppa Pig," "Sesame Street," at marami pang iba! Maglaro, matuto, at gumawa gamit ang makulay na collection ng masaya, puno ng aral, at pambatang games at activities, na puwede sa mga batang nasa preschool. Tuklasin ang kagubatan kasama sina Horton at Samson mula sa Dr. Seuss, mag-enjoy sa pagkukulay kasama ang PAW Patrol, magpakain ng Very Hungry Caterpillar o mag-bake ng cake kasama si Peppa Pig — at marami pang ibang posibilidad.
Kasama ang lahat sa membership mo sa Netflix, nang walang in-game na ad o dagdag na babayaran, para panatag ang isip mo habang naglalaro ang mga bata. Ilan lang ang mga ito sa pambatang games na makikita mo ngayon sa Netflix Playground, at marami pang puwedeng i-explore at napakarami pang bagong games na parating!
• PAW PATROL ACADEMY •
Mag-enjoy sa pag-aaral kasama sina Marshall, Skye, Chase, at ang iba pang Patrol pups. Mag-practice ng numbers, letters, shapes, at pagkukulay.
• MY VERY HUNGRY CATERPILLAR •
Panatilihing busy ang lumalaking caterpillar gamit ang pagkain at kasiyahan sa game na ito na batay sa kinagigiliwang libro ni Eric Carle na para sa mga bata.
• PJ MASKS •
Makipagkarera sa mga lansangan at tumalon sa mga rooftop kasama sina Gekko, Owlette, at Catboy para mapanagot ang mga kontrabida!• KPOP DEMON HUNTERS •
Sumayaw sa rhythm ng biggest hits ng HUNTR/X, mag-trace ng shapes, at magkuwento gamit ang character stickers.• GABBY'S DOLLHOUSE •
Bihisan si Gabby at ang mga cute niyang kaibigang pusa ng makukulay na outfit, at i-try ang memory matching at iba pang activities para matuto.• SESAME STREET •
Makipaglaro kina Elmo, Big Bird, Cookie Monster, Oscar at iba pang kaibigan. Mag-practice ng pag-match gamit ang memory cards o coordination gamit ang connect-the-dots.
• PLAYTIME WITH PEPPA PIG •
Pasukin ang mundo ni Peppa sa pamamagitan ng collection ng masasayang activities para matuto. Mag-alaga ng guinea pigs, i-drive ang bus, gumawa ng smoothie, at marami pang iba.
• DR. SEUSS'S HORTON! •
Tumuklas ng masisiglang kagubatan kung saan nahihikayat ang pagkamalikhain sa pamamagitan ng cause-and-effect play kasama si Horton at ang mga kaibigan niya. I-try mo rin ang skateboarding at basketball!
Pakitandaan na ang impormasyon sa Kaligtasan ng Data ay nalalapat sa impormasyong kinokolekta at ginagamit sa app na ito. Tingnan ang Pahayag sa Privacy ng Netflix para matuto pa tungkol sa impormasyong kinokolekta at ginagamit namin sa mga kontekstong ito at sa iba pang konteksto, kabilang ang impormasyong kinokolekta at ginagamit sa pagpaparehistro ng account.
Isang mundo para maglaro ang mga bata kasama ang paborito nilang characters.
Na-update noong
Okt 22, 2026